Interview Sa Nakakatanda


INTERVIEW



Tagapagpanayam: Magandang araw po. Kami po ay mga Grade 12 ABM-A students, kasalukuyan pong nag-aaral sa Tanza National Comprehensive High School. Pwde po ba kayong mainterview ? Para po sa aming proyekto sa aming paaralan.
LolaMaricor: Pwde naman. Tuloy kayo
­­___
Tagapagpanayam: Ano po ang buong pangalan ninyo at ilang taon na po kayo?
LolaMaricor: Ako si Maricor Libatique. 71 taong gulang na
Tagapagpanayam: Nay, itatanong lang po namin. Sa panahon nyo po dati nung kabataan nyo po ano ang mga paniniwala nyo dati?
LolaMaricor: Dati kapag alas-sais na tatawagin na kami at magdadasal na. Kapag gabi na bawal na ang magwalis, bawal itali ang buhok kapag basa pa. Bawal din ang magsuklay sa may patay kasi daw baka magkakakuto. Bawal na din matulog kapag busog baka bangungutin. Kapag gabi na bawal na din maligo. sa panahon ng kabataan namin dati madami ang dapat sundin kase yun ang sabi ng matatanda. Dati kaaaaaaaaaapag ikaw ay dalaga wala kang makikitang nagsusuot ng short puro bistida ang sinusuot ng mga babae at bawal din ang nag lilipstik. Ang mga magulang dati sobrang higpit ayaw ng mga sugal sugal.
Tagapagpanayam: Ano ano po yung mga tradition po na ginagawa nyo po dati?
LolaMaricor: Ayun nga pagsapit ng alas sais magdadasal. Tapos tuwing lingo nagsisimba. Sama sama kumakain sa lamesa. Dapat eh ginagalang ang matatanda.
Tagapagpanayam: Masasabi nyo po ba na may pagkakaiba o nagbago ang ilan sa mga paniniwala at tradition noon sa ngayon? Paano?
LolaMaricor: Oo, sa panahon naman natin ngayon kitang kita naman na ang daming pagbabago minsan yung iba nakakaligtaan na yung mga paniniwala dati. Minsan pa nga hindi na alam ng iba o baka hindi na ituturo sa kanila. Dati sobrang higpit dapat sundin talaga yung mga paniniwala o pamahiin ng matatanda at ang mga tradisyon natin.
Tagapagpanayam: Ano po ang masasabi nyo sa mga kabataan ngayon?
LolaMaricor: Naku! Ang mga kabataan ngayon ang titigas ng mga ulo. Mga tamad na at hindi na minsan sumusunod. Ang iba wala ng galang sa nakakatanda sa kanila.
Tagapagpanayam: Nasusunod po ba ng tama ang mga tradition?
LolaMaricor: Minsan oo minsan hindi, kasi may mga kabataan talaga na matigas ang ulo kahit anong pangaral ang gagawin mo pero meron din naman mababait na sumusunod at nagbibigay galang. Disiplina lang ang kalian para matuto ang isang bata.
Tagapagpanayam: Mahalaga po ba na sundin ang mga paniniwala o tradition? Bakit?
LolaMaricor: Aba syempre, kase nakagisnan nay an eh. Hindi na mawawala sa atin yan kase simula bata alam na natin ang tungol diyan kaso nga lang minsan hindi nasusunod
Tagapagpanayam: Maraming salamat po sa pagsagot sa aming mga katanungan

Mga Komento